Tuesday, June 15, 2010

Super J-U-N-I-O-R!!!!

Kung iniisip mong tungkol ito sa peyborit mong sikat na bagong boyband from korea....nagkakamali ka! Dahil ito ay tungkol sa unang araw ko sa ikatlong antas sa kolehiyo (Wala kang karapatang magreklamo dahil blog ko to! haha Joke lang dude. XD)

Gabi bago magpasukan, hindi talaga ako makatulog! hinding-hindi talaga! kasi...
WALA PA AKONG UNIFORM!!! (yung mananahi kasi buset! hmp!)

Ngayon, dahil nga unang araw ng klase, maaga akong gumising! (Yehey! Excited ako at makikita ko na rin sila!) ang mga bago kong uniform...whaha (syempre pati ang mga mahal kong kaibigan)

Pero sa kasamaang-palad, wala paring tapos sa pinatahi ko. Kaya ayun, nagtiis ako sa uniform na hindi ko naman kasukat! badtrip talaga!


Share ko na nga lang yung mga napansin ko kanina sa unang araw ng pasukan.

Top 5 na mga kapansin-pansin on the first day of classes:

1. Band-aid - super importante ito para sa mga estudyanteng may bagong sapatos. Subuking tingnan ang kanilang mga paa. Kayo na bahalang maghanap kung saan ito nakadikit (kalimitang makikita sa itaas ng sakong).

2. Bagong Gamit - natural na ito tuwing pasukan (karaniwang napapansin ang mga naglevel-up na sapatos at blouse/polo or bagong accessories like relo, etc.) kaya't sigurado ring makakarinig ka ng salitang tulad nang "umaansenso ah!".

3. No classes - Syempre orientation lang kaya maraming hindi pumasok (and paano nga naman magtuturo kung walang estudyante?) Sulit din ang baon dahil nga walang klase kaya maraming nasa galaan, lalo na yung mabentang tambayang computer shop at Mcdo. "Ehem!"
pero depende rin ito sa mga prof na masipag talaga magturo at masyadong maaga sa pagbibigay ng assignment.


4. Pulis - Wala lang. ngayon ko lang kasi napansin na tuwing pasukan pala umaarkila ang school namin ng mga pulis kahit na nakatayo lang sila sa labas. (umaarkila???)

5. 1st years - malalaman mo kung first year 'pag nakita mong lilingap-lingap na parang naliligaw. natural lang din 'yan dahil ganyan din ako dati...haha

Actually, puro tambay lang talaga nangyari sa'min kanina kaya hindi ko maiwasang mapansin ang mga ito.

pero eto lang talaga yung ginawa namin kanina:
*pumasok sa unang subj. at nag-attendance.
*nakipagkulitan sa mga kabarkada.
*tumambay
*nag-lunch sa Mcdo
*tumambay ulit
*pumasok sa 2nd subj.
*naghintay ng prof. (hindi naman dumating so parang tambay lang din ang naganap)
*tumambay ulit
*pumasok sa 3rd subj.
*naghintay ng prof. (hindi ulit dumating)
*pumunta sa bayan para gumala pero pagdating dun, hindi na tumuloy (nagkatamaran ata? haha)

"pwede po bumati?"..."sige go ahead!" "Binabati ko nga pala yung mga bago kong Classmates kanina...hindi ko kayo nabati eh" (kausapin ang sarili?? haha)

Ngayon, Certified Junior na kami sa university na ito. Wag nang itanong pa kung bakit dahil hindi din namin alam.Wala din namang nagbago lalo na sa ugali. Magulo parin. Basta. Good'luck nalang sa amin! (balita ko pahirapan na daw sa panahong ito) Hello S-A-D... (nakakasad naman...)

Ok. See you next blog. tinotopak na naman yung monitor na 'to eh...God'bless us! ^_^
*Peace&Love*

Thursday, May 13, 2010

Birthday bash @19


Once in a year. Age boosted. Another happy memories to be reminisced...

Ang sarap isiping marami pa rin ang nakaka-alala sa atin lalo't higit sa pagdating ng ating kaarawan. Tulad ng birthday ko, Ang daming nag-Effort para lang batiin ako ng isang naghuhumiyaw na HAPPY BIRTHDAY!! may mga nagtext na kahit april 30 pa lang bumabati na (Jerick) , mayroon din namang nagpakapuyat pa at hinintay ang 12mn para bumati rin (yrah, mellani, kuya ado at syempre sa kapatid ko (paul)super thanks para sa super nakakatouch na message..haha)

basta! marami pang bumati lalo na on the exact date of my birthday! through text, personally, even through facebook! at may mga pahabol din na bati mula kila jaireh, grace, sarah garcia, etc.

hindi naman ganung ka-bongga ang birthday ko...simple lang! ipinaghanda ako ni nanay tulad ng dati na tanging siya lang ang nagluto(wid some help of her sis) at kumuha naman si tatay ng videoke kaso sira yung mic but soon nabuo rin naman. nakakaground nga lang. haha.

Dumating ang mga friends ko, co-s.a's together with our Boss and so as with my cousins.

unang bisitang dumating:
Boss and co-sa's ~ Sir Aldrin, Sir Moke, Jean, Mj, Kent, Joey Boy, Emman


Second set:
Mga Couz ko ~ kumpleto na sana kaso may kulang, and that's you Diko Vincent!...haha

Third set:
Mga tito/tita ko: Kaso inuman session na to on the part of my tito's....haha

Another super bonding moments ang naganap. Maraming salamat muli sa pagkakataong mabigyan ulit ako ng isang memorable and special day na tanging ako lang ang bida...^_^

Maraming salamat ulit sa mga hindi nakalimot bumati! haha:

-->Mga Couz ko/Family
-->(ITCC-AVIM)Boss and co-sa's ~ Sir Aldrin, Sir Moke, Ma'am Vhana, Jean, Mj, Kent, Joey Boy, Emman, kuya Teddy, Camille, Arnel, Melissa, grace (at marami pang iba...hindi ko na matandaan eh)
-->Parpol Fam ~Yrah, Sally, Cath, Shiela and randy
-->HS Classm8s/Friends ~Jerick, Mellani, kuya Ado, Shaira, jaireh, grace,
-->Kapatid (paul)
-->Kuya Mark
-->Facebook Friends (madami kayo eh)
-->Mga Kapitbahay

Sa mga nakalimot, better luck next time! haha

Sori sa mga nakalimutan kong pasalamatan...basta maraming salamat senyo! napasaya ninyo akong lahat! you made my day a very special one! S-A-L-A-M-A-T!!!

Thanks God for another wonderful day that He gave to me.
God Bless us! Peace and Love! Aylabyu ol! Rakenrol! *wink!

Friday, January 29, 2010

Strangers on the Go!



~This will be My First Blog Evah!...Feel free to Read my blog….Enjoy! ^_^

Marami tayong iba’t-ibang klaseng karanasan. May maganda at pangit din naman. Karamihan sa mga ito ay hindi natin inaasahan. Kaya…

~Expect the Unexpected ika nga.

Share ko lang yung story ng kakaibang karanasan ko. Ito ay konektado sa isa sa mga lumalaganap na krimen sa ating "napakagandang" bansa...ahm...basahin mu na lang brad!...ahehe


7pm. Pauwi na kami matapos ang isang buong araw na pagduty bilang Student Assistant (S.A) sa aming unibersidad. Nakagawian ko na ang pagsakay ng tricycle pauwi sa bahay namin pero nung gabing ito, naisipan kong sabayan nalang sa paglalakad ang aking dalawang ka-S.A. kung sa bagay, tatlong kanto lang naman ang layo ng bahay namin sa paaralang ito kaya kering-keri nang lakarin.

Totoo ba talagang ‘pag “SUPER” saya mo sa simula (yung tipong halos sumakit na yung tiyan mo sa kakatawa) e siguradong kasunod na nito ang kalungkutan o kaya naman, iiyak ka ng bonggang bongga?

Siguro nga totoo yun…So, ito na ung kasunod ng kwento ko…

Super Laughtrip talaga kami papauwi ng bahay habang naglalakad dahil narin sa mga nakakatawang kwento at biro ng isa sa mga kasama ko. Habang patuloy kami sa paglalakad, hindi ko namalayan na masyado na pala akong malayo sa mga kasama ko na halos isang kanto na ang pagitan namin sa isa’t-isa. Ang akala ko pa nga, pinagtitripan lang nila ako at hinayaang maglakad mag-isa. Sa paglingon ko, nakita kong huminto sila sa tapat ng poste at may kausap na dalawang lalaki. Naisip kong siguro nga ay mga kaibigan nila ito. Dahil sa isa akong mabait na kaibigan, (ehem!) hinintay ko sila sa kabilang kanto habang kinakausap sila ng mga lalaking iyon. Maya-maya pa, unti-unting lumalapit sa akin ang mga lalaking kanina lamang ay kausap ng mga ka-S.A ko.

“Akin na yung cellphone mo!..ilabas mo na!” sabi ng isa sa mga ‘Strangers’…Sa makatuwid, hindi pala mga kaibigan ko ang hinihintay ko kundi ang pagkakataong ako naman ang puntiryahin ng mga ito. Akalain mo ba namang mga holdaper na pala yung kausap nila kanina?...Amf!!!

So ayun, dahil mahal na mahal ko ang cellphone ko (Uh-no!!), nagsinungaling ako. Sinabi kong wala akong cellphone (balak ko pa ngang sabihing hindi ako marunong gumamit nun kaso baka lalong hindi sila maniwala…whahaha…pero syempre, JOKE LANG ‘YON!) pero kahit anong sabihin ko sa kanila, ayaw nilang maniwala. Sa kalkulasyon ko, umabot siguro ng limang minuto ang pagkikipagpatigasan ko sa mga holdaper…ahehe.

May mangilan-ngilang sasakyan lamang ang mga dumadaan sa kanto na iyon lalo pa’t gabi. At tanging ilaw lamang ng mga nagdaraang sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa lugar na ‘yon. Binalak kong magbigay ng signal sa mga sasakyang dumadaan upang makahingi ng saklolo pero inakbayan ako ng isa sa mga holdaper (Chansing epek si kuyang holdaper! haha) ng hawak ang isang patalim na itinutok pa sa aking balikat (aw!) at pinipilit akong italikod sa mga nagdaraan ng sa gayon ay hindi mahalata ang maitim nilang balakubak este balak!
Sabay banat pa ng “G*go ka! ‘Wag kang papahalata!”…~wow kuya! Abuso ka!

Hindi parin sila naniniwala hanggang sa pilit nilang kinuha ang bag ko (actually, bag ng ate ko yun, hiniram ko lang!) sa pag-aakalang nandun yung bagay na kinukuha nila sakin.
Nakipaghatakan pa ko sa kanila bago nila tuluyang makuha ang gamit ko, para may thrill…^_^ (parang tug-of-war lang eh?)

Nang makuha na nila ang bag ko (este bag ng ate ko), agad silang tumakbo. Hindi ako pumayag na basta nalang nila makuha yung gamit ko ng wala akong nagawa. Nagkataon namang biglang may nagdaang jeep na maaari kong mahingan ng tulong. Nung una parang nagdalawang isip pa si manong na bumaba ng jeep pero dahil na rin siguro sa kakulitan ko, tinulungan na rin nya ako. Syempre hindi naman namin mahahabol yung mga lokong yon kung makikipagtakbuhan lang din kami di ba?...well, God is good talaga! He sends us a trike na magagamit namin para tugisin ang mga masasamang loob. (tugisin?! Wow! Parang pelikula lang ah). To the rescue naman si manong tricycle driver. Dahil sa pagmamadali para masundan yung mga nangholdap, muntikan pa kong iwan nila manong driver at kuyang pasahero ng jeep sa lugar ng pinangyarihan. (Ahm…mga kuya?! Isama nyu naman ako…pwede?)

Noon lang ako nakakita ng mga taong parang si Gokou (yung tipong nagteleport sa sobrang bilis mawala!)na kahit ang pagkatulin-tuling sasakyan e hindi sila kayang abutan! Bukod kina manong at kuya, nakita kong sinundan din ng mga taong nakamotor yung mga holdaper na sa pagkakaalala ko eh mga schoolmate ko sila na napadaan lang talaga. Itinuro nila sa amin kung saan lumusot ang mga ito. Malas lang nila at marami pala kami kakampi sa lugar na yon. Isa pa, ang taong nabiktima nila eh kaBaryo lang nila…haha.

Ang nakakagulat pa, biglang dami ng taong tumulong samin! As in suuupeerr dami talaga! Halos karamihan sa kanila eh naliligo na sa pawis at pagod na pagod sa pagtugis sa mga ‘strangers’ na yon. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa kanila pero SALUDO ako sa mga taong tumulong saken! Really! I salute you GUYS!
Marami pa rin palang Good Samaritan sa panahong ito.

So anung nangyare?! Ayun, dahil nga sa sobrang bilis nila mawala, hindi namin sila natagpuan. Kung nasaan man kayo ngayon, Good’luck! Anyway, hindi rin naman nila matatakasan yung kasalanan nila. God will take them to where they must be. (nusblid!)

Syempre, dahil hindi nila nakuha yung cellphone ko, nagawa kong itext sila nanay at tatay para magpasundo. Nang dumating si tatay kasama si ate, wala akong ibang nagawa kundi yakapin si tatay ng mahigpit at umiyak. Pakiramdam ko nung mga oras na yun, parang humiwalay yung kaluluwa ko sa katawan ko...haha

Nang makauwi na kami sa bahay, doon ko ikinuwento ang buong pangyayari. Grabe! Kakaiba pala talaga ang feeling pag ikaw na ang nasa ganung eksena. Halos hindi ka makapagsalita sa sobrang manhid ng buo mong katawan at nakakablanko pa sa isipan. Ang nakakainis pa, Hindi ko maidescribe kung anu yung itsura ng mga holdaper yung tipong parang wala silang mukha?basta ang pagkakaalam ko lang, isang bata at binatilyo na nakasumbrero. Oha! Ang galing ng memory ko noh! Para namang sila lang yung may ganung description sa buong mundo!...amf! Baka makita mu sila, ingat ka! haha

Hindi pa ko masyadong nahihimasmasan, may biglang kumatok sa bahay namin at isang balita ang dumating. Ang bag na nakuha sakin ay bumalik! Saan ka naman nakakita ng gamit na bumabalik matapos kang holdapin samantalang yung mga taong nangholdap eh hindi manlang nakita maski dulo ng daliri nila?...dito pa lang masasabi ko na “May (ako yun!) is really blessed!” sa lahat ng naholdap, sakin lang yung gamit na narerecover pa.

Sabi ni aleng nagsoli, nakita lang daw nya sa may pintuan ng bahay nila yung gamit ko. Pero hindi pa rin kami sigurado dun sa taong nagbalik ng gamit ko. Marami pa ring theory na gumugulo sa isipan ko. May mga bagay na hindi maipaliwanag. Isa na dito ay kung bakit magulo ang pagkakaayos ng pera ko sa bag ko? (hindi manlang inayos ni kuyang holdaper bago isoli..haha) Sinabi din niya (ni ale) na walang nawala sa gamit ko. Eh panu niya nasabing walang nawala sa gamit ko eh she doesn’t even know kung anu yung exact na laman ng bag ko? Alam kong masama ang manghusga but it doesn’t mean na porke nakagawa siya ng kabutihan sayo, dapat mo na siyang pagkatiwalaan agad.
Pero salamat na rin sa pagbabalik ng gamit ko…*wink!

Sa kasamaang palad, hindi na narecover yung mga gamit ng dalawa kong ka-S.A. Actually, pinuntahan pa daw nila ako sa bahay naming to check if I’m ok pero nagkita-kita na kami sa baranggay para magpa blotter. Though hindi nahuli yung mga holdaper, lubos parin kaming nagpapasalamat kay Bro dahil kahit papaano, we’re still alive!

so anu na nangyari matapos ang holdapan?! The result is…Charaaan! Headline ang lola mo! Sa school lalo’t higit sa department namin, sa palengke (kasi malapit dito yung pinangyarihan) lalo na sa lahat ng kamag-anakan namin! Sus!

Lesson: Wag Maging Masaya ng Sobra Para Hindi Umiyak ng Bongga!...haha joke lang! *Peace*

=*=*=*=*=*=*=*
Isasama ko narin sa blog kong ito ang pagbukas ng bag ko ng hindi ko hinahawakan yung zipper…Amazing right?! tunog Magic noh! Gusto mo rin bang maranasan yon?! haha
I think, alam nyu na ibig kong sabihin.

Ito yung unang karanasan ko bago pa man dumating ang mga holdaper…ahehe

Isang paglilinaw, hindi ito naganap sa araw na naholdap ako…ok?

Matapos kong manggaling sa isang mahabang galaan, naisipan ko na namang maglakad tutal walking distance lang ang bahay namin mula sa pinanggalingan ko. Habang naglalakad ako, nagulat ako’t biglang umangat ang bag ko (this time, back pack ang dala ko)…pagtingin ko dito, SHIIINGG! Bukas ang bag ko!...amazing huh?...haha

Nakita ko si kuyang MAGNA, kunwari pang bumibili ng kendi pero alam kong siya yung nagbukas ng bag ko. Bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga salitang, “Nanakawan mu pa ko ah!”…sounds matapang di ba? pero sa totoo lang nangangatog na tuhod ko sa kaba kaya nagmadali akong naglakad papunta sa maraming tao hanggang sa makauwi ako ng bahay.

Nice! Napakalapitin ko sa mga ‘Strangers’…haha


~Hindi natin alam kung ano maaaring mangyari satin…hindi natin masasabing hindi na ito mangyayari muli o kung kelan ito mauulit…kaya ibayong pagiingat ang sa atin ay mamalagi kapatid! (ooh! Ang lalim…)

Hanggang dito nalang…ang sakit na ng mata ko e!
See ya next blog Pals!
May God Bless Us All! ^_^