Kung iniisip mong tungkol ito sa peyborit mong sikat na bagong boyband from korea....nagkakamali ka! Dahil ito ay tungkol sa unang araw ko sa ikatlong antas sa kolehiyo (Wala kang karapatang magreklamo dahil blog ko to! haha Joke lang dude. XD)
Gabi bago magpasukan, hindi talaga ako makatulog! hinding-hindi talaga! kasi...
WALA PA AKONG UNIFORM!!! (yung mananahi kasi buset! hmp!)
Ngayon, dahil nga unang araw ng klase, maaga akong gumising! (Yehey! Excited ako at makikita ko na rin sila!) ang mga bago kong uniform...whaha (syempre pati ang mga mahal kong kaibigan)
Pero sa kasamaang-palad, wala paring tapos sa pinatahi ko. Kaya ayun, nagtiis ako sa uniform na hindi ko naman kasukat! badtrip talaga!
Share ko na nga lang yung mga napansin ko kanina sa unang araw ng pasukan.
Top 5 na mga kapansin-pansin on the first day of classes:
1. Band-aid - super importante ito para sa mga estudyanteng may bagong sapatos. Subuking tingnan ang kanilang mga paa. Kayo na bahalang maghanap kung saan ito nakadikit (kalimitang makikita sa itaas ng sakong).
2. Bagong Gamit - natural na ito tuwing pasukan (karaniwang napapansin ang mga naglevel-up na sapatos at blouse/polo or bagong accessories like relo, etc.) kaya't sigurado ring makakarinig ka ng salitang tulad nang "umaansenso ah!".
3. No classes - Syempre orientation lang kaya maraming hindi pumasok (and paano nga naman magtuturo kung walang estudyante?) Sulit din ang baon dahil nga walang klase kaya maraming nasa galaan, lalo na yung mabentang tambayang computer shop at Mcdo. "Ehem!"
pero depende rin ito sa mga prof na masipag talaga magturo at masyadong maaga sa pagbibigay ng assignment.
4. Pulis - Wala lang. ngayon ko lang kasi napansin na tuwing pasukan pala umaarkila ang school namin ng mga pulis kahit na nakatayo lang sila sa labas. (umaarkila???)
5. 1st years - malalaman mo kung first year 'pag nakita mong lilingap-lingap na parang naliligaw. natural lang din 'yan dahil ganyan din ako dati...haha
Actually, puro tambay lang talaga nangyari sa'min kanina kaya hindi ko maiwasang mapansin ang mga ito.
pero eto lang talaga yung ginawa namin kanina:
*pumasok sa unang subj. at nag-attendance.
*nakipagkulitan sa mga kabarkada.
*tumambay
*nag-lunch sa Mcdo
*tumambay ulit
*pumasok sa 2nd subj.
*naghintay ng prof. (hindi naman dumating so parang tambay lang din ang naganap)
*tumambay ulit
*pumasok sa 3rd subj.
*naghintay ng prof. (hindi ulit dumating)
*pumunta sa bayan para gumala pero pagdating dun, hindi na tumuloy (nagkatamaran ata? haha)
"pwede po bumati?"..."sige go ahead!" "Binabati ko nga pala yung mga bago kong Classmates kanina...hindi ko kayo nabati eh" (kausapin ang sarili?? haha)
Ngayon, Certified Junior na kami sa university na ito. Wag nang itanong pa kung bakit dahil hindi din namin alam.Wala din namang nagbago lalo na sa ugali. Magulo parin. Basta. Good'luck nalang sa amin! (balita ko pahirapan na daw sa panahong ito) Hello S-A-D... (nakakasad naman...)
Ok. See you next blog. tinotopak na naman yung monitor na 'to eh...God'bless us! ^_^
*Peace&Love*
No comments:
Post a Comment